Pumasok si Prin at Cally sa loob ng bedroom sa parehas na suite.
Namangha siya nang makita ang hilera ng mga kasuotan sa loob ng kwarto. May isang A-line, off-shoulder na puting gown. Simple lang din na tulad ng pagkatao niya. Isang white tulle lacey gown iyon na dinidisenyuhan ng mga mga hugis talulot ng sakura na kulay puti din. Katabi nito ang isang puting tuxedo.
Ang sumunod ay isang white Japanese wedding kimono o uchikake. Katabi rin ang isang kimono na para sa groom. A traditional Japanese wedding dress.
Ang ikatlo ay nais matawa ni Prin. Their Dark Guard suit na pinatungan lang ng itim na trenchcoat ang damit ni Cally at nilagyan ng leather na saya ang damit niya para maging palda ang ilalim. Nakasuot din sa leeg ang mga dog tag nilang dalawa sa parehas na body stand.
Natutop niya ang bibig matapos masuri ang lahat.
Inangat niya ang paningin kay Cally. "Y-you.."
"Yes, Honey. Our renewal of marriage will happen today."
Hindi niya napigilan na lumuha. "Why?"
Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa oras na iyon. She was happy, overwhelmed and thankful.
"Dahil bayad na ang venue." Pamimilosopo ni Cally. Pinalo niya ito ng marahan sa dibdib.
Hindi niya akalain na kahit araw-araw na siyang nasa loob ng hotel ay nakaligtas pa rin sa kanya ang tungkol sa sarili niyang kasal. Posible na si Apolo ang nag-asikaso ng lahat kaya nakaligtas sa kanya ang tungkol dito.
Bigla niyang naalala ang pagkakaayos sa Garden. Hindi niya rin akalain na ang kinaiinggitan niyang pagkakaayos sa hotel na iyon ay para pala sa kanya.
Hindi niya tuloy mapigilan ang pagdaloy ng mga luha niya sa mata.
"Honey, gusto mo bang panget ka sa kasal natin? Stop crying."
"Nasorpresa lang ako sobra. Masyado mong napaghandaan ang lahat. I don't even have any idea na kasal ko pala ngayon."
Pinunasan ni Cally ang luha niya mula sa box ng tissue na hindi na niya binitawan. Hinalikan nito ang mga mata niya. Sunod ay ang labi. He kissed her while removing her clothes. Tinanggal muli nito isa-isa ang bawat parte ng suot niyang yukata.
"Ayoko na ngang magpakasal." Komento ni Cally. Panay kasi ang iyak niya.
"Ee.." pinalo niya ulit ito sa dibdib. Natatawa na lang ito sa kanya.
"What would you like to wear?" Pinapili siya nito sa tatlong kasuotan na naroon sa kwarto matapos mahubad ang Yukata niya.
"The white gown."
Hinayaan siya nito na nakatayo sa gitna. Hinubad ni Cally ang request niya mula sa body stand. Matapos nito mahubad ang gown, pinasuot nito sa kanya ang bagay na iyon.
"Bakit ikaw ang nagsusuot sa akin? Ayaw mo bang masorpresa na makita ako na nakagown sa labas."
"Nah! I don't like someone seeing you n.a.k.e.d. Kahit babae pa. Saka, noon pa man, gusto ko nang makita kung ano ang ayos mo kapag nakasuot ka ng wedding gown." Katwiran ni Cally habang inaangat ang zipper ng gown sa katawan niya.
"I want to be the first person to see you in your wedding gown. Not someone else." Saka nito inikot ang katawan niya paharap dito.
"Gorgeous." Komento nito matapos makita ang kabuuan niya.
"What about Khalid? Kahit siya ang makasama ko ayaw mo?"
"Hm. Kahit si Khalid." Sagot nito.
Pinaupo siya nito sa couch. Sunod na inayos ni Cally ang buhok niya. Tinanggal lang nito ang malaking bulaklak na nakakabit sa buhok niya at pinalitan iyon ng mga kung anong hair accessories.
Nasa ganoong ayos sila nang makarinig sila ng mga katok sa pintuan. "Come in."
Dahan-dahan na bumukas iyon at lumitaw ang ulo ni Khalid. Mabilis ito na tumakbo papalapit sa kanila nang makita ang ayos niya.
"Whoah! Mommy! You are beautiful!" Puri nito nang makalapit. Halata ang admiration sa mga mata nito.
"Really?"
Panay ang tango nito bilang sagot.
"Hey, labas ka muna. Bawal ka dito." Suway ni Cally sa anak nila.
Hindi naman ito pinansin ni Khalid at patuloy na sinusuri siya nito. Napalitan ng pagtawa ang kanina ay pag-iyak ni Prin. Kung paano kasi siya tingnan ng asawa niya ay ganoon din si Khalid.
Kinandong niya si Khalid kahit nakasuot siya ng puting gown. "I love you, Mommy."
"I love you too, Baby."
Binuhat din sila ng asawa niya mula sa sofa at kinandong sila parehas. Kapwa sila niyakap nito.
"I love you, Honey." Saka siya hinalikan sa pisngi.
"I love you too, Husbie."
"I love you the most, Mommy."
"Hm. What about me?" Tanong ni Cally sa anak nila.
"For four years, I have always loved Snow White."
Nakakunot ang noo ni Cally. Humalakhak naman si Prin dahil hindi nakuha ng asawa niya ang sinagot ng anak nila. Hindi niya napigilan na halikan ito sa pisngi.
"Daddy as your kid, I just wanted you to know that I don't like another baby pandas in our home." Komento ni Khalid. Lalong natawa si Prin.
Sa ngayon, ay hindi din niya gusto na magkaroon ng panibagong baby panda dahil nais niyang bawiin ang mga nawala niyang oras kay Khalid. She wants to spend more time with Khalid.
Maybe after four years, she's ready.
The room was filled with love, laughter, joy and peace.
Nang oras na iyon ay parang ayaw nang lumabas pa ni Prin sa kwarto dahil sa kakaibang bonding ng pamilya niya. Hugging by her husband and her son is something she couldn't ignore.
Sa wakas, masasabi niya na buo na ang Panda Family.