Last day of Summer.
Nagre-ready na ang lahat para sa pagsisimula ng klase. Malaki ang pagkakabukas ng bakal na gate ng LIU or kilala bilang Lloyd International University. Matatagpuan ang eskwelahan sa kalapit na probinsya ng Maynila.
Isa-isang nagsisidatingan ang mga estudyante mula sa iba't-ibang lugar. Lively ang paligid dahil nagkakamustahan ang lahat.
Isang babae na nasa edad disi-nuebe ang bumaba sa hindi magarbong sasakyan. Si Angel Jang.
Simula airport ay dumiretso na siya sa university na iyon. Ayaw niya na kasing mag-aksaya pa ng oras. Tutuloy sana siya sa white castle pero mas pinili niya na dumeretso na sa school para makakilala ng mga kaibigan.
Nahihirapan siya sa pag-arkila ng taxi o grab car dahil dumating siya sa Pilipinas ng rush hour. Alas dose ng gabi ang flight niya kaya naman umaga siya nakarating sa airport.
Mabuti na lamang at may napakiusapan siya na traveler na patungo lang din sa parehas na probinsiya.
Nakasabay niya ang isang solo traveler na babae na nagmula pa sa Korea.
Sa eroplano pa lang ay naka-kwentuhan niya na ito. Nagkataon naman na sinundo ito ng nobyo nito kaya inaya na siyang makisabay.
Narito siya sa bansa dahil magpapaturo siya ng aralin kay Khalid. Nasa 2nd Year College siya at ito naman ay sa 3rd year.
Mas advance sa kanya ang lalaki dahil di hamak na mas matalino ito sa kanya kahit pa nga parehas sila ng birthday.
Sa telepono pa lang ay nakakausap niya na ito. He invited her to be at this university at magpunta nga dito sa Pilipinas para magpatuloy ng college. He said it was fun to be here.
Having the thought na nandito ang lalaki, sige na nga at pagbibigyan niya ito.
Pinakuha sa kanya ang business course dahil wala namang ibang magmamana ng Chen at Jang businesses kun'di silang dalawa ni Ruru, ang pinsan niya na mas bata sa kanya ng apat na taon.
Bahagya na siyang pinagpapawisan dahil alas dyes na ng umaga.
Hila ang lavander na bagahe, pumasok siya sa loob at sinimulan na hanapin si Khalid. Nalowbat na kasi ang cellphone niya at hindi niya alam kung saan hahanapin ang lalaki.
Kapansin-pansin si Angel ng ibang estudyante dahil kakaiba ang awra niya. Tita kasing puti ng bigas ang balat niya na para bang hindi naaarawan. Sobrang smooth pa na parang sa model ng mga lotion.
She is wearing a red bucket hat with a small ribbon on the side. Her dress flows like an ocean. Umaabot iyon hanggang binti. Her face was small and everything in it was perfect.
Kung mayroon mang maipipintas sa kanya, iyon ay ang height niyang 5'1. Madalas na mapagkamalan siya fifteen dahil sa lit niya.
Malayu-layo na rin ang nalalakad niya nang may humarang sa kanyang tatlong lalaki. "Hello."
Kumunot ang noo niya. Hindi naman niya kilala ang mga ito kaya hinila niya ang bagahe patungo sa gilid ng mga ito at pinilit na iniwasan ang tatlo.
Ngunit humarang muli ang tatlong lalaki nang makarating siya sa gilid. Hindi na siya nakatiis kaya pinameywangan niya ang tatlong dugyot sa paningin niya.
"Hindi ako nakikipag-usap sa mga amoy-putok na katulad niyo. Layas!" Singhal niya.
Sabay-sabay na lihim na inamoy ng tatlo ang kili-kili ng mga ito.
"We are good." Sabi ng isa.
"Gan'to na lang, ituro niyo sa akin kung saan ko makikita si Khalid Matsui Han. Tapos bibigyan ko kayo ng pambili ng deodorant. Ayos na ba iyon? May pera na kayo makakasama niyo pa ang magandang tulad ko."
Namula ang tatlong teenager sa pagpapahiya niya. Pero nagsink-in sa utak ng mga ito na hinahanap niya sa Khalid.
"Kilala mo si Master Khalid?" Tanong ng isa.
"Yes." Saka siya tumango. "Kilala niyo siya?"
"Kilala namin!"
"G*go. Walang hindi nakakakilala kay Master Khalid dito. Unggoy!" Binatukan oa nito ang naunang nagsalita.
"Oo nga!"
Umiikot ang mata niya. "Bring me to Khalid. Nauubusan na ko ng pasensya sa inyo ha. Hindi ko na matiis ang amoy niyo. Please lang..." inipit niya ang ilong na para bang hindi na niya masikmura ang amoy ng tatlong lalaki.
"Aba't!" Aambahan siya ng suntok ng isa ngunit pinigilan ng dalawang kasama nito.
Napapaisip siya. Kung tutuusin ay ayaw niyang gumawa ng drama sa iskul na iyon lalo at bagong salta lang siya. Hindi pa nga siya nagkakaroon ng kaibigan, mapapatrobol na agad siya
Nabigla na lang si Angel nang may humila sa kanya at pinrotektahan siya laban sa tatlong lalaki. Likod nito ang humarap sa kanya at natakpan nito ang tatlong unggoy sa mga mata niya.
Nagpasalamat siya dahil sa wakas ay ligtas na ang pang-amoy niya laban sa tatlo.
"Hey kayong tatlo! Nakakita na naman kayo ng biktima niyo! Isusumbong ko kayo sa Dean!" Singhal ng lalaki.
Umismid ang tatlo saka nakanguso na umalis.
Pinagmasdan ni Angel ang likod ng lalaking nagligtas sa kanya. Matangkad ito kumpara sa height niya na five-one lang. Sa tingin niya ay naglalaro sa anim na talampakan at isa ang lalaki. Mas napabilib si Angel sa glass skin ng lalaki na halos walang makitang pores sa mukha nito.
Akala niya ay sa Korea lang may ganoon, kahit pala dito ay may lalaki rin na tila Korean idol dahil sa kapogian.
"Hi! New student?" Bati nito.
"Yes. By the way, I'm Angel."
"Gavin"
"Oh! Hi Gavin! Bago lang kasi ako. Pwede mo bang ituro kung saan ko mahahanap si Khalid Matsui Han?" Tanong ko. Feeling ko ay magkaka-stiff-neck ako sa kakatingala sa kanya.
Hindi nakaligtas sa akin ang pagsingkit ng mata niya.