Chapter 452 - Other works

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hello Readers, Here are the list of my other COMPLETED works na pwede niyong magustuhan.

[These are SPOILERS so you may opt to skip the details if you don't like Spoilers]

HIS GAZE AT ME [Story of Ginny Lopez and Cloud Han]

[ROMANCE, TRAGEDY, ACTION AND MYSTERY]

Divided into three parts.

1. PENETRATE - Disisais anyos si Ginny Lopez nang unang magtagpo ang landas nila ni Cloud Han. Nang dahil sa trahedya, kinailangan ni Cloud na magtungo sa ibang bansa para ipagpatuloy ang pag-aaral sa Underworld business ng pamilya sa ina.

2. DEEP - Makalipas ang walong taon, bumalik si Cloud Han bilang Boss ni Ginny Lopez sa opisina at sa unang araw ng pagbabalik nito ay may naganap sa pagitan nila. Inaya siya ng lalaki ng kasal ngunit tumakas si Ginny dahil nasakal siya sa ikatlong araw pa lang ng pagiging possessive ni Cloud sa kanya. Makalipas lang ang tatlong buwan, dinukot si Ginny ni Apolo kahit pa nagdadalang-tao siya kay Cloud. Pinatulog siya ni Apolo ng ilang buwan hanggang sa makapanganak siya at pinadala nito ang sanggol kay Cloud Han habang nasa ilalim ng 'deep sleep' si Ginny.

3. LONELINESS - Nang dahil sa mahiwanag droga, malaki ang naging problema ni Cloud Han para isalba ang buhay ng babaeng mahal niya, Si Ginny Lopez. Tinurukan ng kakaibang gamot si Ginny ng kalaban ni Cloud sa underworld business nito. Pinahihina ng gamot ang puso ni Ginny dahilan para umikot ang mundo nila sa pagpapagamot. Isang araw, huminto ang puso ni Ginny dahilan para ibigay ni Cloud Han ang katawan niya sa kuya nito na si Brent. Makalipas ang apat na taon, isang Irisa Park ang bumalik sa Pilipinas na kamukhang-kamukha ni Ginny Lopez. Mayroon din itong tatlong taong gulang na anak na babae na kamukhang-kamukha niya. Ngunit ang problema ay pilit itong tumatanggi na ito si Ginny Lopez.

======

AT THE END OF THE RAINBOW

[SUBSERIES of MY FIRST LOVE IS A PROBLEM BOY]

Divided into three story.

Three men with different problems in life. How do they face the romance and love of their life?

This novel consists of three different stories with different genres.

[Shey and Kyle : Spice of Life] Tumakas si Shey sa relasyon nila ni Kyle nang makatanggap siya ng imbitasyon ng engagement nito sa babaeng itinakda na ipakasal sa nobyo. Makalipas ang mahigit apat na taon, kinailangan niyang bumalik sa Maynila dahil sa nangyari sa mama niya. Lumipas lang ang ilang araw, tila pinagtagpo silang muli ng tadhana.

[Star and Lloyd : Comedy] highschool lang si Star nang una silang magtagpo ni Lloyd sa bookstore dahil tinanggal nito ang bubble gum na dumikit sa school uniform niya sa puwitan nang sumakay siya ng jeep. Nasabihan niya ito ng manyak. Nabuhay si Lloyd sa mundo ng dominate-submissive relationship dahil sa una nitong pag-ibig na tinuruan ito ng kung anu-anong klase ng pakikipagtalik. Nalaman na lang nito na p.o.r.n actress pala ang babae. Naging collector si Lloyd ng s.e.x toys na ginagamit sa mga nobya niya. Makalipas ng ilang taon ay muling nagkita si Star at Lloyd dahil kaibigan ang lalaki ng kuya niya sa kolehiyo kung saan siya mag-aaral. Hindi maganda ang mga engkwentro nila ng lalaki lalo na at maraming naging nobya si Lloyd. Para itong nagpapalit ng damit kung magpalit ng nobya.

[Ingrid and Rob : Action] Isang secret agent si Rob Matsui na japanese na kilala sa siyudad bilang nakakatakot na tao. Kinuha ang serbisyo nito ng tatay ni Ingrid dahil sa dinakip siya ng kalaban ng ama sa business. Nailigtas siya nito at tulad ng ibang mga babae na niligtas ng kanilang Knight in shining armour ay nailove siya dito sa unang pagkikita. Nang dahil sa mahiwagang relo na ipinasuot ni Ingrid sa yaya niya, napagkamalan siya ng lalaki bilang ibang tao kaya naman nagpanggap siya bilang Lina ang pangalan ng Yaya niya. Bilang spoiled brat ay nag-apply siya sa bar ng lalaki bilang waitress kahit pa nga lumaki siya na anak-mayaman. Nagawa pa nito na ioffer ang bahay nito na tirhan niya kapalit ang paglilinis sa bahay nito. Sa kalaunan ay nagkaroon sila ng relasyon ng lalaki na agad na tinutulan ng ama.

======

WORKPLACE ROMANTIC [ROMANCE, COMEDY]

Divided into two story.

[Karissa Abay and Bruce Wang] Niloko si Karissa ng kanyang nobyo kaya naman wala sa sarili na nakipag-one night stand siya sa estrangherong si Bruce Wang sa probinsiya. Nagkataon pa na ibinibenta siya ng kanyang ama sa may-edad na lalaki para magkaroon sila ng pera kaya naman tumakas siya sa baryo at nanghingi ng tulong sa matalik na kaibigan. Nabigla na lang siya nang makita muli si Bruce Wang bilang boss niya sa opisina kung saan siya ipinasok ng kaibigan. Sa unang araw pa lang niya sa trabaho bilang receptionist ay disaster na ang nangyari sa kanya kaya pinatawag siya nito sa mismong opisina nito.

[Danna Umali and Liam Madrid] Masaya si Danna na natanggap siya sa trabaho bilang isang assistant ng editor-in-chief ng isang Magazine Publishing. Pero nabigla siya nang makita ang tatlong ex-boyfriend niya sa bagong kumpanya na pinapasukan.

Si Vincent, isang director. Naghiwalay sila nito dahil sa 3rd party. Nahuli niya kasi itong may babae noon. Apat na buwan niya itong naging nobyo.

Si Paul, ang Production Manager. Masyado siyang nasasakal sa lalaki noon dahil over-protective ito sa kanya na kahit ang samahan ang mga barkada niya noon ay ayaw nito. Apat na buwan din niya itong naging nobyo.

Si Liam, ang Editor-in-chief ng opisina o ang may-ari mismo. Ang kanyang Boss at ang kanyang first love. Naghiwalay sila nito dahil kinailangan ng lalaki na magpunta sa Amerika hanggang sa nawalan sila nito ng komunikasyon. Apat na taon niya itong naging nobyo.

Ngunit nagkaroon ng problema si Danna nang sabay-sabay niya na payagan ang tatlong lalaki na makipag-date muli sa kanya.

======

SI MAKISIG AT SI MAGANDA [Story of Bea and Maki]

[ROMANCE, TRAGEDY, ACTION AND MYSTERY]

Isang trahedya at misteryo ang nangyari isang linggo bago ang kasal ni Maki at Bea na siyang nagpabago sa kapalaran nilang dalawa. Nagkaroon ng kasiyahan para sa nalalapit nilang kasal. Ngunit nagising si Bea na kasama ang asawa ng ate niya sa kwarto kung saan lumilitaw sa imahe niya na isang lalaki ang gumamit sa kanya nang nagdaang gabi nang paulit-ulit. Natagpuan naman niya si Makisig na halos walang kasuotan kasama ang ate niya sa kwarto nito. Bitbit ang hinanakit ay nilayuan niya ang lalaki sa loob ng apat na taon para mangibang bansa kung saan siya mas nakaranas ng pagdurusa. Pagkalipas ng apat na taon ay lumitaw ng paisa-isa ang mga naganap sa gabi na ayaw nang balikan pa ni Bea.

So far, Sila po yung completed na pwede niyong ma-enjoy sa ngayon. ☺

-FEIBULOUS