Chapter 245 - Serious Engagement (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Ma, ayaw mo pang magpakasal ang apo mo e, trenta mahigit na yan si Donna." komento mula sa Mommy niya. 

Parang gusto ni Donna na maglaho ng banggitin nito ang edad niya. Kailangan pa bang linawin at ulit-ulitin na lagpas na siya sa kalendaryo? Naramdaman na naman niya ang pambubugaw nito sa kanya kay Mat-mat. 

Napapailing na lang si Donna dahil sanay naman na siya sa mga ito. 

"Ano bang sinasabi mo r'yan?! Gusto ko siyempre na magpakasal ang apo ko. 'Yon e kung karapat-dapat itong si Mario" 

Mat-mat "...." 

Tiningala ng matanda si Mat-mat. Napalunok na naman siya sa paraan ng pagsuri nito sa kanya na para bang may laser ang mga mata nito na naniningkit pa at parang hinahanapan siya nito ng bacteria sa katawan. 

"Bibigyan kita ng tatlong pagsubok. Kung matatalo mo ako, papayag ako na makasal sa iyo si Donna" 

Mat-mat "...."

"Ahhh… mamang, nagbibiro lang po kayo di po ba?" paninigurado ni Donna na nakangiwi 

"Hindi" 

Naisip ni Mat-mat na may edad na ang matandang babae. Siguro naman ay madali na lang na matalo ito sa kanya.

"Papayag po ako" sabi niya. 

"Mabuti naman! Bukas ng alas sais ng umaga ang simula ng laban natin" sabi nito saka siya inirapan at tinungo ang pintuan papasok sa loob ng bahay. 

Naaliw ng bahagya si Mat-mat dahil bibigyan pa siya ng tatlong pagsubok ng matandang babae para lang maikasal sa apo nito. Kung may problema siguro siya, 'yon ay ang paggising sa umaga dahil sanay ang katawan niya na inaabot ng madaling araw sa computer. 

Hinarap siya ng nobya niya nang mawala sa paningin nila ang lola nito. 

"Love, Ako na ang nagsasabi sa iyo. Mahirap magbigay ng pagsubok ang lola ko." paalala ni Donna. 

Hinaplos niya ito sa buhok. Natutuwa siya na concern ito sa kanya. "My Love, kahit gaano pa 'yan kahirap, haharapin at kakayanin ko yan para sa iyo" 

Halatang kinilig ang dalaga sa sinabi niya kaya napangiti ito ng simple. Natutuwa naman ang magulang nito habang pinanonood sila na maglambingan. 

"Matthew, mabuti naman at nagkaliwanagan na kayo. Naku, I'm happy lalo at may kasama na ko ulit maglaro ng Mobile Legends." mula sa Daddy ni Donna. 

"Na-miss ko rin po kayo" sabi niya. 

Totoo at bukal sa puso ni Mat-mat ang bagay na iyon. Simula nang tanggapin siya ng mga ito ilang buwan ang nakaraan, tinanggap na rin niya na maging magulang ang parents ni Donna, lalo at nasa Amerika ang pamilya niya. 

"Aba'y kabagal niyong magsipasukan!" sigaw mula sa lola ni Donna na halatang naiinip. 

Binilisan nila ang lakad para sundan ito sa pagpasok ng bahay. Pagdating sa pintuan, hinarang nito si Mat-mat. Hinarang nito gamit ang walking stick sa pintuan matapos makapasok ng dalaga at ng magulang nito. 

"Aba'y saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya. 

"S-sa loob po" 

"At bakit? Pumayag na ba ako na makasal ka kay Donna ko?" 

"Ma, hayaan mo na si Matthew na matulog dito. Nagli-live in na sila ni Donna." nakangisi pa na sabi ng Daddy ng dalaga. 

"Ano?! Pumayag kayo na makipag-live si Donna kay Mateo?" gulat na sabi nito. 

Mat-mat "..." 

"M-matthew po ang pangalan ko, Lola." pagtatama niya. 

Pinalo muli siya nito ng bitbit nitong walking stick na napakabilis. Hindi man lang niya nagawang makailag. 

Napangiwi si Mat-mat saka hinimas ang binti niya. Kung hindi lang ito pamilya ni Donna at kung hindi lang ito matanda ay nakutusan niya na talaga ito simula pa kanina.

Pero determinado si Mat-mat na pagsilbihan ang matandang babae dahil pamilya ito ng nobya niya, kaya magtitiis siya. 

"Hindi kita papayagan na matulog sa kwarto ng apo ko hangga't hindi mo napagtatagumpayan ang tatlong pagsubok" sabi nito. 

"E, a-ano po ba ang unang pagsubok, l-lola? Tanong niya. 

Ngumisi ito. "shooting range!" 

Mat-mat "..." 

"Ha ha ha… Nagbibiro lang po kayo, di po ba?" natawa siya sa trip nito. 

Pinalo muli siya nito ng walking stick. "Aba'y damuho kang bata ka! Mukha ba 'kong nagbibiro sa paningin mo? Hindi pa ba ako seryoso sa paningin mo?"

"Mamang, kalma lang po kayo." hinimas ni Donna ang likuran ng lola niya para kumalma ito saka hinarap ang binata. 

"Mat, alam mo kung bakit ako pumasok bilang Dark Guard' di ba? Lola ko ang may gusto n'on." 

Alam ni Mat-mat ang tungkol sa bagay na iyon. 

"...P-parehas na nasa militar ang magulang ng Mommy ko" bulong ng dalaga sa nobyo niya. 

Ang bagay na iyon ang hindi niya alam. Nanlaki ang mata ni Mat-mat sa nalaman. 

"Love…" huminga siya ng malalim saka hinawakan ang dalawa nitong kamay. 

"...please PRAY for me." halos maiyak niyang sabi.