Chapter 247 - Pagsubok 1

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kinabukasan ng umaga, maagang dumating si Mat-mat sa usapan nila ng lola ni Donna.

Maganda ang mood niya sa araw na iyon dahil naka-score siya sa kanyang My Love. Madaling araw na nang umalis ito sa hotel niya at hindi na nagpahatid sa kanya dahil may dala naman itong kotse. Para silang teenager na tumatakas sa mahigpit na lola ng nobya niya. 

Nagkape pa muna siya bago inisip ang mga payo ng kaibigan na si Kai at Ana.

"Hello, pwedeng makiupo?" isang seksing babae ang pumutol sa nililipad niyang kaisipan. 

Hapit na hapit ang kasuotan nito na tube dress na itim at halos lumuwa na ang dibdib na parang si Betty boop. Nakadagdag pa ang liit ng bewang nito at mabilog na balakang. Ang kaso, parang natatangahan siya sa babae. Hindi ba at nasa shooting range sila. Tama bang magsuot ito ng ganoon sa lugar na iyon? 

Sinubukan pa rin naman niya ang magpakaginoo dito. 

"Pwede naman." sagot niya. 

Natuwa ito saka umupo sa katabing silya. Nilapit pa nito ang silya sa kanya na akala mo ay close sila nito. Medyo naasar si Mat-mat sa babae kaya tumayo siya para layuan ito. 

Halatang nabigla ito sa inakto niya na para bang may nakakahawa itong sakit. "S-saan ka pupunta?"

Nagtaas ang kilay ni Mat-mat. Iniisip niya kung baliw ba ang babae para tanungin siya nito na akala mo ay close sila. 

"Nagtanong ka lang naman kung pwede ka makiupo. Pumayag naman ako. Kailangan ko rin ba sabihin sa iyo kung saan ako pupunta?"

Natameme ito sa sagot niya at halatang napahiya ito. Nagpunta na lang si Mat-mat sa isang gilid saka ginawa ang trabaho na inuutos ni Cally sa kanya. Ang i-locate ang mag-asawang Captain Yeo at Mayu. 

Ilang saglit pa, dumating ang matanda kasunod ang nobya niya. 

Pinalitan ni Donna ng saya ang pagkaasar niya ilang minuto ang nakaraan. Para itong diwata sa paningin ni Mat-mat. Kaya naman sulit ang pagsubok na ibibigay sa kanya ng matandang babae para dito. Hindi akalain ni Mat-mat na tuluyan nang sinakop ni Donna ang pagkatao niya. Ang kanyang My Loves. 

Bagay dito ang suot nitong blusa at ripped jeans. Nakakabata sa hitsura nito. Gusto sana niyang yakapin at siilin ng halik ang dalaga kaya lang may asungot itong kasama.

Ibinaba niya ang paningin saka niya napansin na pinagmamasdan din siya ng lola nito. Katulad ng nagdaang araw, parang scanner ang mga mata nito na sinusuri siyang mabuti. Kinabahan siya bigla.

"Alvaro, gusto kong malaman mo na pasado ka sa unang pagsubok." Seryosong sabi nito. 

Nanlaki ang mata ni Mat-mat. Nasanay na siya sa pagtawag nito sa kanya ng kung anu-anong pangalan pero… ano daw? Pasado siya sa unang pagsubok? Samantalang, hindi pa nga sila nagsisimula. 

Sumilay ang ngiti sa labi ng nobya niya. 

"Pero hindi pa ho tayo nagsisimula."

"Kanina pa nagsimula. Ang babaeng iyon ang una mong pagsubok" saad nito. 

Nilingon ni Mat-mat ang seksing babae. 'Yon na iyon? Inaasahan ba nito na papatulan niya ang babae? Seksi lang siguro ang babae pero wala siyang maramdaman na kahit ano dito. Iba pa rin ang kanyang 'My Loves'. 

"Salamat iho sa pagtulong" nakangiti ang lola ni Donna sa seksing babae.

'iho?'

"Wala pong anuman, kapitana. Salamat po sa tulong niyo kay Pudra. Bye pogi!" kinindatan pa siya nito bago tuluyang umalis. Kumekendeng pa ang balakang nito habang papalayo. 

Napaatras si Mat-mat sa ginawa nito. Hinila niya si Donna sa isang sulok. 

"My loves, don't tell me... lalaki 'yon?" bulong niya dito.

"Yes. transgender iyon" Nakangisi na sagot mula sa nobya niya. Nanlaki naman ang mata niya sa nalaman. Hindi siya makapaniwala dahil mukha talagang babae ang taong iyon. Ang galing ng teknolohiya sa pagbago ng katawan nito. 

Niyakap siya nito sa bewang "I'm happy for you, My loves! Congratulations!"

Sumimangot ang matandang babae nang mapansin nito ang sweetness nilang dalawa ng nobya niya. "O siya Andrew, maglaban na tayo!" 

Sinundan nila ito ng lakad patungo sa firing area. Nagsuot ito ng salamin na sakop ang kalahati ng mukha saka ng headphone sa tenga. Saka dinampot ang baril na gagamitin.

"Kung sino ang makakuha ng mataas na puntos, siya ang panalo. Bibigyan kita ng tatlong putok. Naiintindihan mo?" tanong nito. 

"Ahh, Lola, pwede po bang malaman kung ano ang koneksyon nito sa pag-aasawa namin ni Donna?" Hindi maintindihan ni Mat-mat kung bakit kailangan niyang mag-firing o kung bakit kailangan niyang makipaglaban dito. 

"Aba'y damuho ka talaga! Hindi mo alam? Titingnan ko kung gaano ka kagaling pumutok" sabi nito saka tinutok sa alaga niya ang baril na hawak nito. 

Napahawak tuloy siya kay Junjun at gumilid para itago iyon sa matanda. 

"Lola magaling pumutok si Junjun ko kaya hindi na natin kailangan pa dito" mayabang niyang sabi. 

Pinaputukan siya nito ng bala sa paahan pero hindi naman siya nito pinatamaan. 

"Ahhh!!!!" parang nag-tinikling si Mat-mat sa pagtalon-talon dahil sa kaba sa matanda.