Chapter 248 - Pagsubok 2

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Huwag na po mainit ang ulo niyo. Nagjojowk lang po ako" Nakanguso na sabi ni Mat-mat matapos magpa-sikat ng lola ni Donna. 

Sa galing nito magpasikat, pwedeng sumali ang matanda sa 'showtime' na talent ang paghawak ng baril. 

"ikaw, Leo! Ako ba ay pinagtitripan mo, ha?" nakaamba ang walking stick nito sa kabilang kamay sa kanya. 

Humarang si Donna para ipanangalang ang sarili sa nobyo niya. "Mamang, kalma lang po kayo, lalo po kayong madadagdagan ng wrinkles." saad ni Donna. 

Umirap lang ang matanda. "O siya, tayo'y magsimula na!" saad nito saka tinungo ang firing range. 

Muli ay dahan-dahan lang ang lakad nito hanggang sa makarating sa firing lane. 

Ang lane na iyon ay nahahati sa walong booth para may sariling area ang bawat shooters. Ang bawat booth ay may partisyon para maiwasan ang aksidente at makasakit sa kapwa shooters. Tumatalsik kasi ang naiiwan sa bala. 

Ilang metro ang layo sa firing booth, makikita ang target na may mga bilog. Bawat bilog ay may puntos na nakasulat. 10 points ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa. Zero kapag lagpas sa pinaka-bilog. 

"Rodolfo, halika't magsimula na tayo" 

Tiningnan muna ni Mat-mat ang lola ni Donna saka nagreklamo. 

"Lola, naiintindihan ko po kung tawagin niyo akong, Mateo, Marco, Andrew, Mario, Leo pero anlayo na po ng Rodolfo sa pangalan ko." 

"Aba'y damuho ka talagang bata ka!" bigla na naman siyang pinalo nito sa binti nang sobrang bilis. 

"Lola, nandadaya na po kayo. Gusto niyo po ba akong lumpuhin para hindi ako makapuntos kahit isa?" nakangiwi na reklamo niya. 

"Aba'y talaga namang suwail ka, ano?" nakaamba na naman ang walking stick nito sa kanya. 

Sumimangot si Mat-mat. Simula nang nagdaang araw ay nakakarami na sa kanya ang matanda at wala siyang magawa sa pang-aapi nito sa kanya. 

"Mamang, sige na magsimula na po kayo." pigil ni Donna bago hinarap si Mat-mat. 

"Love, pasensya ka na sa lola ko ha." 

Umirap muna sa kanya ang matanda. Irap na tulad ng kay Donna. Like Donna, like granny. 

Tsk tsk, ngayon ay alam niya na kung saan nagmana ang nobya niya. 

Pumuwesto ito sa isang firing booth. Saka tumira. 

*bang* Walang tinamaan. 

Kumunot ang noo ni Mat-mat. 

Tumira muli ito... 

*bang* wala muling tinamaan. 

Gusto nang magduda ni Mat-mat kung talaga bang mahusay ang matandang babae sa pamamaril. 

Ikatlong putok… 

*bang* wala muling tinamaan. 

Lumapit ang target sa lugar ng matanda saka ni-review ang mga puntos nito. 

"Aba'y bakit wala akong nakuha kahit isang puntos?!" galit na reklamo nito. 

"Eh Kapitana, malabo na po kasi ang mata ninyo kaya naintindihan namin kung hindi na kayo ganun kagaling." Sabi ng isang manonood. 

"Aba'y oo nga ano, tingin ko'y sa kaka-laro ko ito ng Counter strike at Dota kaya rumupok na ako" 

Mat-mat "..." 

"Nakuuu… namimiss ko na rin ang maglaro ng 'plants versus zombeh'" sabi nito na para bang nakalimutan na naroon sila para maglaban. 

"Lola, ako na po ang titira" baka kasi nakalimutan nito kung bakit sila nandoon. 

"Aba'y huwag na dahil halata naman na talo na ako! Gusto mo bang ipamukha sa akin na hindi na ako magaling ha" nagagalit na sabi nito. 

"Lola, huwag na po kayong magalit. Tuturuan ko na lang po kayo mag-counterstrike at Dota." sabi niya dito. Nag-aalala rin si Mat-mat sa pabigla-bigla nitong galit sa kanya. Ang hirap pa naman na baka magkasakit ito sa puso dahil sa highblood sa kanya.

"Aba'y, bakit? marunong ka ba maglaro?" 

"Oo naman po. Isa po akong Game Master. Gusto niyo po dalhin ko pa kayo sa Japan at doon po tayo maglaro. Marami po doon. " 

Bumilog ang mata nito. "talaga? Kaya mo akong dalhin sa Japan? Bakit, mayaman ka ba iho?" 

Naaaliw naman si Mat-mat sa biglaan na naman nitong pagbabago. 

"Oo naman po kaya ko po kayong ipagtayo ng mansyon kahit bukas." 

Nanlaki na naman ang mata nito. Sinuri muli siya nito. "Net worth mo per year?" 

"200 million po… US dollars."

Nanlaki ang mata ng matanda. 

"Savings?" 

Binulong niya dito kung magkano na ang ipon niya at napanganga ito. 

Sumingkit muli ang mata nito "Properties?" 

"Mayroon po akong skyjet, armoured van na parehas nasa 400 million."

"...US Dollars. Pero wala pa po akong bahay, gusto ko po kasi ay kastilyo" pagyayabang niya dito.

Sinuklay niya pa ng mga daliri ang buhok niyang nagsisimula na naman na kumapal.

Napapangiti naman ang mga taong nanonood sa kanila dahil napapansin ng mga ito ang pang-aapi sa kanya ng matanda na para bang nahipan ng hangin. 

"Eh sino po ba siya, kapitana?" tanong ng isang manonood. 

"are ba? e si Matthew, asawa yan ng apo ko" 

Mat-mat "..." 

"Love, promise… hindi mukhang pera ang lola ko" nakangiwi na sabi ni Donna.