Madilim ang paligid kahit alas kwatro pa lang ng hapon. Normal kasi na sunset sa bansa ang alas kwatro ng hapon kapag ganong panahon sa bansang iyon.
Kasalukuyang malamig ang klima sa Japan nang makarating ang mag-asawang Prin at Cally dahil winter sa lugar. Nagsimula na rin ang pag-ambon ng niyebe sa buong siyudad kaya bahagya ring namumuti ang kapaligiran.
Binalot ni Cally ng jacket ang anak niya 'pag labas pa lang nila sa eroplano. Tanging buong mukha lang nito ang nakalitaw sa nakabalot na tela.
Panay ang ikot ng paningin ni Khalid sa paligid. Parang sinusuri nito ang lugar kung nasaan sila.
Matapos maglakad sa napakahabang pasilyo palabas ng departure area, sinalubong sila ng tatlong Dark Guards. Si Joen, si Tom at bagong trainee na Bob ang pangalan, mahusay sa taktikal ang lalaki. Inabutan agad sila ng mga ito ng winter jacket.
"GW8, namiss ka namin. Hu hu" palapit si Joen kay Prin para yakapin siya nang pigilin ni Cally ang kwelyo ng suot nitong Dark suit.
Napangiti si Prin sa inakto ng asawa niya at natuwa rin siya na makakita muli ng Dark suit. Ilang taon na siyang hindi nakakapagsuot ng damit na tulad niyon at sa palagay niya ay magsusuot na muli siya ng Dark suit sa nalalapit na panahon.
"Kamusta na kayo?" Tanong ni Prin sa lalaki. Matagal-tagal din siyang hindi nakadalaw sa mansyon nila doon.
"Ayos lang kami. Kailan ka nga pala babalik sa training?" tanong ni Joen.
Nilingon na muna niya si Khalid na nakatingin sa kanila na akala mo ay naiintindihan nito ang pinag-uusapan nila bago niya sinagot ang tanong ni Joen.
"Busy pa kasi ako sa anak ko eh." sagot niya.
Nalungkot bigla si Joen nang ilipat ang paningin kay Khalid. Naalala niya ang anak niya. Binatilyo na ang anak niya sa mga panahon na iyon na pilit na tinago sa kanya ng dati niyang nobya. Tuluyan na silang naghiwalay ng girlfriend niya noon, ang babaeng dahilan kung bakit siya naroon bilang Dark Guard.
Labis noon ang pagkamuhi niya sa babae, pero naka-move-on na siya ngayon dahil naisip niya na hindi naman siya magiging masaya sa kasalukuyan kung hindi siya nanatili doon.
"Wow! Shi, ang pogi ni Master Khalid!" puna naman ni Tom sa baby.
"Siyempre naman! Mana iyan sa Mommy niya!" pagbibida niya.
Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa baby at sa kanya.
"Weh? Parang kay Shi naman e" komento ni Joen.
Inirapan lang ni Prin ang lalaki. Aminado naman siya na nakuha ni Khalid ang halos lahat sa asawa niya.
"Huwag ka na malungkot, Honey. May namana pa rin naman sa iyo si Khalid?" sabad ng asawa niya.
"Tulad ng?" excited na tanong niya. Kumikinang pa ang mga mata niya na hinihintay ang sagot mula dito. Sino bang magulang ang ayaw makarinig na may namana sa kanya ang anak niya. Unless, it's a bad trait.
"Tulad ng... malikot matulog"
Tiningnan niya ito ng masama. Nagtawanan naman ang tatlong lalaki.
"Ha ha o' siya! Tara na sa mansyon. Naghihintay si Master Rob." saad muli ni Joen.
Nagsimula silang maglakad patungo sa dalang sasakyan ng mga ito.
Ilang metro ang layo ng departure hanggang sa parking lot kaya mahaba-haba ang lalakarin nila.
Pinagmamasdan ni Prin ang bansa kung saan siya lumaki mula sa haligi na gawa sa salamin habang naglalakad. Nagsimula siyang magmuni-muni at tila ninanamnam ang kagandahan ng lugar.
"Ano ang balita ngayon sa mag-asawang Captain Yeo at Mayu?" usisa ni Cally .
Sumeryoso bigla ang tatlong lalaki. Nagsimulang magpaliwanag si Joen bilang siya ang mataas ang ranggo sa kanilang tatlo.
"Shi, ang totoo. May ilang bomba muli ang sinimulan ng Hantataiga na pasabugin simula kahapon at talagang nasa Red level na ang utos ng Presidente…"
"...At may natanggap din kaming sulat mula kay Mayu habang nasa ere pa kayo"
Tumingin muna ang lalaki kay Prin bago nagpatuloy. "Hinahamon niya si Prin at si Master Rob"
Nagtaka si Cally kasabay ng pagtalim ng mata niya. Sinasabi na nga ba niya at si Prin talaga ang isa sa mga rason ng babae kung bakit bigla itong bumalik kay Captain Yeo para bawiin ang mga detonator.
Noong una ay wala siyang pruweba kaya nga nagpatuloy siya na ipahanap sa Shogun ang mag-asawa.
Ayaw niyang Ibaba o magpa-petiks sa seguridad ng grupo niya. Lalo at hindi niya alam ang dahilan nito.
"Talagang binangit niya ang pangalan ko?" Nagtataka naman si Prin. Wala siyang natatandaan na atraso sa babae.
Tumango si Joen.
"Bakit?"
"Because Captain fallen in love with you" si Cally ang sumagot sa tanong niya.
Nanlaki ang mata ni Prin at kinilabutan siya sa bagay na iyon. Alam niya na gusto siyang panatilihin ng lalaki sa barko noon pero hindi sumagi sa isip niya na magkakagusto sa kanya ang kapitan.
"E, bakit kasali si Daddy?"
"My guess is… she is Hitomi's child" seryosong sagot muli ni Cally.