Nasa malalim na pag-iisip si Prin at hindi siya makapaniwala sa mga posibleng hula ni Cally. Halos magsasampung taon na nang mamatay si Hitomi.
Matagal na itong kakilala ng Daddy niya kaya paano nangyari na nakalusot sa kaalaman nito na nagkaroon ito ng anak na katulad ni Mayu?
Tahimik sila sa loob ng itim na van at tila walang gustong magsalita. Binabaybay nila ang daan patungong Matsui Mansion mula sa airport.
Si Bob ang nagmamaneho. Katabi nito sa passenger seat si Joen na nagrereport sa Shogun gamit ang espesyal na radyo. Kailangan nitong ipagbigay-alam na maayos na nasundo ng grupo niya ang mag-asawang Prin at Cally.
Si Tom ay hawak ang laptop nito at patuloy na tahimik na nagtatrabaho. Sa gitnang bahagi ito ng van nakaupo. Sa likuran ang mag-asawa kalong ang anak nilang nakikimasid sa daan at sa paligid nila.
Unang beses nito makita ang tatlong Dark Guard.
"Ma.. Uhma.." ungol ng anak niyang si Khalid.
"Woah! Husbie, tinawag niya ako!" bigla siyang natuwa dahil sa narinig. Nakita niya na napangiti rin si Cally sa kinauupuan nito habang bitbit si Khalid.
"Kiss your Mommy, baby" Nakanguso na si Prin para halikan ang anak niya nang makarinig sila ng pagsabog sa katabing sasakyan. Halos dalawang metro lang ang layo sa kanila.
Biglang binawi ni Prin ang nguso niya at saka napasigaw.
*Boom!!!!*
Sa sobrang lakas ng pagsabog, nagsipagbasagan ang mga salamin ng bintana at kung ano pang babasagin sa kotse at nagsipagtalsikan sa mga kalapit na sasakyan.
Parang slow-motion na umikot at lumipad sa ere ang kotseng sumabog. Iba-iba naman ang reaksyon nilang lima sa loob pwera kay Khalid na tahimik lang.
"Ahhh!!!" agad na yumuko siya at yumakap sa anak niya para itago ito at hindi masaktan.
"Shit!" napamura naman si Bob na nagmamaneho. Mabilis na iniwasan nito ang kotseng sumabog
Sabay na napalingon si Joen at Tom sa katabing sasakyan at kapwa nanlaki ang mata nang umikot nga iyon at halos masagi nito ang sasakyan nila kung hindi lang magaling sa pagmaneho si Bob.
Agad naman na kinulob ni Cally ang isang kamay kay Prin at halos ipasok niya ang katawan nito sa Jacket na suot .
Gumewang ang sasakyan nila para malayuan ang kotseng sumabog. Ginamit ni Bob ang lahat ng talento niya sa pagmamaneho para maiwasan ito.
Bumagsak ang kotse ng pataob sa gilid ng kalsada, matapos nilang makalusot dito. Nagsisalpukan ang mga kasunod na sasakyan, ang kasunod at kasunod pa dahil sabigla rin ng pangyayari.
Kitang kita ang pag-apoy ng sumabog na sasakyan na nasa likuran na nila.
*wee-eow* *wee-eow* nagsipagtunugan ang mga alarm ng mga sasakyan na sumalpok dito.
"Kailangan nating bilisan!" utos ni Cally kay Bob. Hindi sila maaaring manatili sa kalye kung ganoon na sobrang mapanganib sa daan.
"Copy, Shi!" sagot mula dito. Binilisan nito ang pagmaneho.
Ilang saglit pa, may sumabog muling kotse na nasa unahan naman ng sasakyan nila.
*screech!!!!*
"Ahhhh!!!" napasigaw muli si Prin.
Biglang pinigil ni Bob ang kotse na minamaneho para hindi sila bumangga sa mga sasakyan na nasa bungad dahil bigla rin ang pagtigil ng mga ito.
Sa sobrang bigla ng pagtigil ng sasakyan nila, nabitawan ni Tom ang laptop niya at tumilapon iyon patungong hood. Mabilis niyang hinawakan ang screen para hindi ito makasakit ng kahit na sino sa kanila.
Ngunit hindi ang radyo na hawak ni Joen, dahil sa bigla nito tumilapon rin iyon at tumama sa ulo niya.
"Pusang ina!" napamura na ito ng tuluyan.
Tumatahip ang dibdib nila dahil sa magkasunod na pagsabog.
"Ayos lang kayo?" tanong ni Bob na nilingon ang mga kasama sa likuran.
Sinuri ni Cally ang mag-ina niya at nakahinga siya ng maluwag na makitang ayos lang ang mga ito.
"Ayos lang kami, Kailangan natin magmadali. Maghanap ka ng pwede nating daanan papuntang Mansyon" utos ni Cally dito.
Hindi sumagot si Bob. Sa halip, sinunod nito ang utos ng Master niya.
"MB53, call Shogun tell him na kailangan niyang tapusin ang honeymoon niya sa lalong madaling panahon. Call MB5, Tell them to come over at the soonest!"
"Tom, same with you. Tell uncle Rob na kailangan natin simulan agad ang meeting." nag-uutos pa lang si Cally ng may sumabog na naman na sasakyan nadi-kalayuan.
Hindi na nakatili si Prin dahil siguro inaasahan na niya ang bagay na iyon. Ngunit sabay-sabay silang natigilan.
"Fu*k! What is happening?" usal na mura ni Bob. Pinagmamasdan niya ang paligid na para silang napagitnaan ng giyera.
Pare-parehas ang bilis ng tibok ng puso nila dahil sa sobrang kaba at halos walang makapagsalita sa kanila para magbigay ng komento.