Hindi makalusot ang sasakyan nila na kasalukuyang naipit sa mga sasakyan sa kalsada. Ilang saglit pa, may sumabog na naman na kotse na nasa hindi kalayuan.
Nakaparada lang iyon na isa sa mga naipit din na sasakyan kaya mas malaki ang impact dahil nadamay ang mga nasa tabi nito.
Sa halos sunud-sunod na pagsabog ng mga sasakyan, parang na-immune na ang mga senses nila na naghihintay kung may kasunod pa ba.
*sccchhhht* *sccchhhht*
Pinipindot-pindot ni Joen ang radyo na hawak para makakonekta sa mga tauhan na nasa Matsui Mansion. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari. Gusto niya ring ipagbigay-alam na hindi sila ligtas sa kinaroroonan nila.
"Dark Guards! Is there any Dark Guards out there?" tanong niya habang nakakuyom ang kamao. Halata sa mukha ni Joen ang kaba at ang pagkainis sa nangyayari.
*scccht schhht*
"Dark Guards?!"
Habang busy si Joen sa pagtawag sa espesyal na radyo, pinagmamasdan ni Prin ang paligid.
Nagtatalo ang apoy mula sa mga sasakyan sa kung saan-saang parte at ang puting snow. Maingay ang paligid dahil sa sabay-sabay na tunog ng alarm ng kotse.
Sanay sila sa laban pero hindi sa ganoong klase ng eksena na parang dinaanan ng giyera ang dating tahimik at mapayapang lugar.
Anong nangyari sa bansa niya? paano nangyari na nakalusot sa gobyerno ang mga pagsabog na iyon?
Ilang saglit pa isang sasakyan muli ang sumabog.
*Booom!!!!*
Nanlaki na ang mata ni Prin dahil mas kita niya ang pagsiklab ng apoy mula sa loob ng kotse at ang pagtilapon nito sa ere.
Sa sunud-sunod na pagsabog, tila inuubos ang mga sasakyan na nasa kalsada. Natigilan muli silang lima na sakay ng itim na van.
"F.u.c.k!" napamura na naman si Bob. Bilang driver ng sasakyan, nag-aalala siya sa kaligtasan ng mga pasahero niya. Bilang Dark Guards, espesyal ang mga tao na sakay ng van na iyon, kaya nakaramdam siya ng kaunting stress.
Patuloy pa rin sa pagtawag sa radyo si Joen kahit pa para siyang tanga na wala naman kinakausap. Bahagya ng namamaos ang boses niya sa pagtawag sa kabilang linya. Naisip niya kung ang dahilan ba kaya hindi siya makakonekta ay dahil sa pagtilapon at pagbagsak ng radyo na iyon sa ulo niya.
Sa kabilang banda, si Tom ay patuloy na naghahanap ng posibleng balita sa internet.
"There is no signal…" komento nito.
Tumiim ang bagang ni Cally. Hindi niya akalain na kapahamakan pa ang dulot ng pag-uwi ng pamilya niya sa bansang iyon. Nilingon niya ang paligid.
May mga nagsisipag-iyakan na, may lumabas ng sasakyan para maki-usyoso, may natatakot. Halos lahat ng negatibong emosyon ay nasa mga tao sa paligid. Pinansin niya ang mga sasakyan hanggang sa may sumabog na naman muli.
Nilingon niya si Prin at Khalid na matindi ang kapit at yakap sa asawa niya. Parang iniiwasan nito ang umiyak kahit pa halatang natatakot din ito.
"We need to get out!" biglang utos ni Cally sa lahat.
Natigilan naman ang apat na tao pa ng sasakyan.
"But Shi…" hindi rin naman alam ni Joen kung ligtas ba sila kung lalabas sila ng van. May snow sa paligid na patuloy na nalalaglag. Siguradong lalamigin sila ng sobra sa kalye.
"We don't know, we might be the next victim. Halos lahat ng sasakyan dito ay galing ng airport. Sigurado ako na may signal jammer din dito sa paligid na sobrang lakas na kahit ang radyo ng Dark Guards ay nadamay para hindi tayo makakonekta sa mansyon."
"...Isa pa, napansin ko na pulos itim ang mga sasakyan na sumabog. kaya guys… we need to get out"
"We have to get out, now! This is an order!" sabi niya na sinimulan na rin na buksan ang pintuan sa gilid ng sasakyan.
Nagsipagsunuran ang apat pang nilalang sa kanilang Master. Binalot agad sila ng lamig matapos makahakbang papalabas ng van ang bawat isa.
"Double your jackets!" utos muli ni Cally.
Nilabas agad ng tatlong Dark Guards ang mga extra winter jackets na nasa isang box. Kinuha naman ni Cally ang makapal na fleece na nasa luggage at binalot iyon sa asawa niya.
Halata na rin na nilalamig ang anak niyang si Khalid dahil bahagyang namumula na ang pisngi nito.
"Use our compass!"
"S-saan ang daan natin Shi Cally?" tanong ni Bob dahil magulo ang paligid. Hindi naman siguro naiisip ng Master nila na dadaan sa mga sumabog na kotse, tama?
Isang kotse muli ang sumabog.
Binibilang ni Bob ang bawat pagsabog at sa tingin niya ay kada dalawang minuto nangyayari ang pagsabog ng kada sasakyan.
Tinuro ni Cally ang masukal na nasa gilid ng sasakyan nila. Matataas ang mga puno pero halos nalanta na ang mga dahon nito dahil nagsimula na ang taglamig.
Kinuha ni Cally ang anak niya mula sa bisig ni Prin para mas mapapadali sila sa pagtakbo.
"Kailangan lang natin makalayo dito hanggang sa magkaroon tayo ng signal saka tayo magpapasundo. Guys, kailangan nating bilisan dahil mas mapanganib ang lagay natin dito sa kalye."
Tumango lang ang lahat saka sunud-sunod silang tumakbo papasok sa masukal na lugar.
Bente metro pa lang ang layo nila sa sasakyan kung saan sila galing nang sumabog ang van na iyon.