Sabay-sabay silang napalingon sa sasakyan at sabay-sabay din nanghilakbot sa nakita.
Sumabog ang van na gamit nila
"Oh my gosh!" usal ni Prin. Napakapit siya bigla sa braso ni Cally.
Kahit ang tatlong Dark Guards ay sadyang kinabahan at napaisip kung paano na lang kung nanatili sila doon sa van na sumabog?
Parang iniligtas pa sila ng Master nila.
"Let's go!" Utos ni Cally sa mga kasama saka nito sinimulan ang pagtakbo papalayo sa kalye. Tama ng hinala niya na may plano si Mayu na pasabugin ang mga itim na sasakyan.
Naka-linya sila na sumunod sa pagtakbo kay Cally.
=====
Hindi nila alam kung gaano na sila katagal na tumatakbo. Ramdam na ni Cally ang pagod lalo na at bitbit niya ang isang taong gulang na anak.
Sa gitna ng ma-yelong lugar, pare-parehas na nagbubutil ang pawis nila at kapwa sila hinihingal. Hindi nila nakalkula kung gaano na kalayo ang natakbo nila dahil pare-parehas na sinakop ng pagsabog ang mga kaisipan nila.
Binagalan ni Cally ang pagtakbo hanggang sa maging lakad na lang ang ginagawa niya. Bilang siya ang nasa unahan o nasa bungad, nakasunod lang sa kanya ang apat pang Dark Guards.
Parang nagtatalo ang mga paghinga nilang lima na kapwa mabibigat at halatang pagod na.
Alam ni Prin na pare-parehas na silang napapagod sa mahabang pagtakbo. Nagkaroon sila ng tyansa na punahin ang lugar kung saan sila naroroon.
Hindi na nags-snow sa lugar na kinaroroonan nila ngunit halata na mas malakas ang naging pagniyebe sa lugar na iyon kumpara sa dinaanan nila mula sa airport. Mas makapal ang yelo at halos wala na silang makita kundi kaputian ng kapaligiran, kahit pa madilim na dahil gabi na nang mga oras na iyon.
Nagsisimula na rin nilang maramdaman ang lamig dahil mas mabagal na ang pagkilos nila.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Bob ang maliit na kubo na nasa hindi kalayuan.
"Shi, may maliit na tahanan, 3 o'clock" sabi nito.
Napalingon si Cally sa tinuro nito. Siguro ay mayroong 50 meters ang layo ng maliit na kubo na iyon mula sa kinatatayuan nila. Dahil wala naman ibang bahay sa paligid, kapansin-pansin ang maliit na tahanan na iyon.
Saglit siyang nag-isip kung safe ba na manatili sila roon o mas safe kung magpatuloy sila sa paglakad.
"Husbie, huminto na muna tayo." si Prin. Kapwa na sila pagod at kailangan nilang mainitan. Kailangan nilang magpahinga kahit saglit.
Saglit na tumigil sa pag-isip si Cally at pinagmasdan ang asawa at ang anak niya. Uminit ang damdamin niya na kahit sa ganoong panahon na nanganganib sila, ay kasama niya ang pamilya at nananatili sila sa bisig ng bawat isa.
Nagulat na lang si Prin nang bigla siyang hinalikan ng asawa niya sa labi habang nasa gitna ng nerbyos.
Napanganga na lang ang tatlong lalaki at pare-parehas na umiwas ng tingin sa mag-asawa. Hindi nila inaasahan na may pasabog din ang dalawa.
Hindi sila makapag komento na nagawa pa ng mga ito na maghalikan sa oras na iyon na namomroblema sila.
"Let's stop at that bungalow." pagpayag ni Cally habang nananatili ang mga mata sa asawang si Prin.
Naunang lumakad ang tatlong Dark Guards patungo sa maliit na tahanan para suriin iyon.
"Uhmm.." ungol mula kay Khalid nakatingin ito sa magulang nito.
Nginitian ito ni Prin. "Are you okay, baby?"
"Uhmm.." ungol muli na para bang naiintindihan nito ang sinasabi niya. Hinawakan niya ang pisngi nito na bahagyang nilalamig na. Nakabalot naman ang buong katawan nito ng makapal na jacket at tanging mukha lang ang nakalitaw kaya sigurado siya na ayos lang ang lagay nito
"Aki'na muna siya." saad ni Prin. Alam niya na nakadagdag ang anak niya sa pagod ng asawa.
Inabot ni Cally ang anak niya kay Prin saka siya nito hinalikan sa noo. "Thank you, Honey"
Nilakad nila ng sabay ang tahanan. Nakaakbay pa si Cally sa asawa niya. Lumapit sa kanila si Joen.
"Walang tao Shi. Secured din ang lugar. Nagsimula nang magpa-apoy si Bob sa loob" Saad ni Joen.
"May signal ka ng nasagap?"
"Wala pa din. Tingin ko nasira ko ang radyo" Kakamot-kamot na sabi nito.
Tumango lang si Cally. Sigurado na nabahala ang gobyerno sa mga oras na iyon kaya saglit na pinutol din ng mga ito ang koneksyon.
"Bukas ng umaga kailangan nating umalis hanggang sa makahanap tayo ng tulong sa base"
Hindi sila pwedeng manatili sa lugar lalo at kailangan nila ng tubig at pagkain.