Hindi nakaligtas ang balita ng mga pagsabog sa daan patungo at palabas ng airport sa Matsui Mansion. Nabalitaan din nila na walang signal at ilan na ang mga namatay.
Nagkakagulo sila sa general hall at hindi nila alam ang gagawin. Restricted kasi ang lugar sa ngayon at walang makapagsabi ng totoong lagay ng lugar.
Alas diyes ng gabi ang kasalukuyang lokal na oras.
Nagpatawag si Rob ng biglaang meeting dahil ilang oras na ang nakalipas ngunit wala pa ang mag-asawang Prin at Cally pati na ang tatlong Dark Guards na sumundo rito.
Nahahati sa malaking screen ng TV ang Shogun, si Kai, ang mag-asawang Ginny at Cloud Han pati na ang iba pang opisyal ng Dark Lords. Kasalukuyang nanghihina si Madam Lira kaya wala ito sa meeting. Nasa iba't ibang parte ng lugar ang lahat at tanging video call lang ang komunikasyon nila.
"Where are they?" nag-aalalang tanong ni Ginny na Mommy ni Cally.
"Ang huling balita mula kay MB53 ay nasundo ang pamilya ng Shi sa airport. Matapos iyon, wala na kaming balitang natanggap." ang Shogun ang sumagot.
Malalim na nag-iisip si Rob. Pinipilit niya na maging positibo. Isang taon pa lang na nakabalik ang anak niya at ayaw niyang mag-isip o makatanggap ng masamang balita.
Ayaw naman niya na magpadala ng Dark Guards sa lugar para lang makibalita kung ano ang eksaktong lagay ngayon sa pamilya niya. Masyadong mapanganib. Hindi nila alam kung hanggang kailan natatapos ang pagsabog o kung tapos na ba.
"Walang komunikasyon ngayon sa lugar pero nagdeclare ng war ang Hantataiga sa gobyerno kaya dalawang araw nang nagaganap ang pagsabog ng bomba kung saan-saan. Mayu also send me a personal mail. Hinahamon niya ako."
"The government wanted to hold the news kaya wala pang nakakaalam kung ano ang totoong lagay ngayon sa lugar." tukoy niya sa daan kung saan sumasabog ng paisa-isa ang mga sasakyan.
Kita ang pagtutop ni Ginny sa bibig nito sa video na halatang may pinanonood ito na hindi nila alam.
"Oh my god! C-cloud Han…" usal nito. Humigpit ang kapit nito sa braso ni Cloud. Bakas ang takot at pag-aalala sa Mommy ni Cally.
"What is it Ginny?" tanong niya.
"The situation is not good. Open your international news TV." si Cloud ang sumagot para sa kanya dahil hindi na makapagsalita ang asawa nito at nanatiling nakatulala.
Pinindot niya lang ang laptop na nasa gilid ng mesa tulad ng suhestyon ng kaibigan niya. Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang video dahil nagtrending bigla ang balita ng pagsabog. Gusto niyang manuntok habang pinapanood ang video. Kuha iyon mula sa drone.
Pare-parehas silang tahimik habang sabay-sabay na pinanonood ang kasalukuyang lagay ng kalye kung saan posibleng dumaan ang van ni Cally.
Hindi maganda ang ayos ng daan galing ng airport. Parang dinaanan ng giyera ang lugar.
Dahil gabi na, mas kita ang pag-apoy ng mga sasakyan kung saan-saang bahagi. Halos hindi na makita ang pagniyebe dahil sa kapal ng usok sa paligid. May mga sasakyan na tumaob, mga nabasag na salamin. Mga taong nagsisipag-iyakan at humihingi ng tulong. Mga taong duguan mga naputol na parte ng katawan.
Sa pangkalahatan, hindi maganda ang sitwasyon sa lugar.
Natahimik sila hanggang sa mag-react muli si Ginny.
"Rob… Don't tell me they are using a black car?" sabi nito.
Saglit siyang natigilan at pinilit na sagutin ang tanong nito sa mahinang boses. "Yes…"
"Oh my god! Cloud, I want to go there! Please let's go there." naging malikot si Ginny sa lugar nito.
"Ginny Lopez, calm down." sabi dito ng kaibigan niya. Niyakap muna nito ang asawa nito para pakalmahin.
"What is it Ginny?" tanong niya.
Anong kinalaman ng itim na kotse sa biglaan nitong pagbago. Alam ng lahat na matalino ang babae at sigurado na may nakita ito sa video na ito lang ang nakapansin. Kinakabahan siya sa maaari nitong isagot.
Huminga muna ito ng malalim para pakalmahin nito ang sarili bago sumagot. "All black cars have bomb in it. And I think, lahat ng itim na kotse mula sa airport."
May pinakita ito sa screen na shot ng itim na kotse na basag ang salamin at nakataob. "Do you guys see this black cars? I am one hundred percent sure na ito ang isa sa mga kotseng may dalang bomba.
May pinakita muli ito na mga kotse sa screen na puro itim ang kulay at bilang spy, nasisigurado rin si Rob na ang mga tinuro nga ni Ginny ang mga kotseng dahilan ng mga pagsabog.
Iniisa-isa pa nito ang lahat na mas nakakadagdag sa pagkadepress nito.
"Stop!" napatayo si Rob sa sunod na pinakita nitong sasakyan sa screen.
Kahit si Kai at Shogun ay natigilan sa van na nasa screen. Paano nilang hindi makikilala ang sasakyan ng Dark Guards.