Chapter 254 - Where are they? (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Bahid ang pag-aalala sa dalawang pinuno ng Dark Guards sa nakitang kasalukuyan na hitsura ng sasakyan. Basag ang salamin ng van nila at patuloy na umaapoy ang loob nito. Natanggal pa ang isang pintuan mula sa katawan ng van. May naaaninag silang mga bulto o katawan ng tao sa loob na nakadagdag sa tensyon nila na mga nasa meeting.

Tumiim ang bagang ni Rob sa nakita. Kapag nakita niya ang Mayu na iyon ay sisiguraduhin niya na isusunod niya ito sa mukhang aswang na nanay nito na si Hitomi.

Hindi naman bobo si Ginny para hindi nito makuha ang mga reaksyon nila na mga nasa video.

"Where are they Cloud Han?" nagsimula nang umiyak ang Mommy ni Cally sa kabilang bahagi ng mundo.

Kahit si Cloud ay hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Normal na reaksyon ng asawa niya ang mag-alala sa anak nila at sa pamilya nito. Ang tanging magagawa niya ay magpakatatag.

"I want to go there please…" hiling muli nito.

"Ginny, masyadong mapanganib sa bansa nila ngayon. It's not safe. Kahit pa gustuhin natin magpunta lahat sa Japan para masigurado ang lagay nila, hindi rin binibigay sa atin ng pagkakataon ngayon. All we can do is to wait for the good news" sabi ng Cloud Han sa asawa nito.

"But I can't stay here hangga't hindi maayos ang lagay ni Cally."

Natahimik na lang silang lahat at hindi nakasagot sa nais nito.

"What are we going to do ngayon na nawawala si Master Cally?" Nabahala naman ang mga lider ng Dark Lords.

"I still believe na nakaligtas sila. Ako na mismo ang pupunta sa area para masiguro kung ano ang nangyari. Maganda o hindi ang balita ko, sisimulan na natin ang pagtugis sa luka-lukang si Mayu sa pagbalik ko. At gusto kong hingin ang kooperasyon ng lahat. I need 100 Dark Guards at 100 na personal na tauhan ko para pabagsakin ang Maria Celeste 1 at si Mayu."

"...Aiden, I hope na ayos na rin ang sasakyan-pandagat na kakailanganin natin." Mahabang salaysay ni Rob.

Ngumisi ang binata sa lugar nito. Sinimulan niya nang magpagawa ng armoured na barko nang nakaraang taon pa at sisiguraduhin nila na durog ang Maria Celeste 1 sa laban.

"That's all for today" sabi ni Cloud bilang pinuno sa meeting. "Mag-iingat ka Rob Matsui"

Tumango lang si Rob.

=====

Sa lugar nila Cally…

Bahagyang nahirapan sa pagsindi ng apoy si Bob sa fireplace na naroon sa maliit na bahay na nakita nila sa gitna ng masukal na lugar. Naghanap pa siya ng kahoy na maaaring gamitin.

Sa masukal na paligid naghanap siya ng kahoy at kinailangan pang patuyuin iyon gamit ang pulang torch ng Dark Guards.

Mabuti na lang at lagi siyang handa na parang boys scout. Kaya ilang minuto lang ang tinagal niya bago nagliyab ang chimney.

Si Joen at Tom ay kasalukuyang inaayos ang radyo nila para makakonekta sa base. Binabantayan din ng huli ang signal.

Si Cally ay mas pinili na suriin muli ang paligid ng bungalow. Tiwala naman siya sa kakayahan ng Dark Guards pero iba pa rin kung susuriin niya ng personal ang paligid nito.

Nakaupo si Prin at Khalid sa isang sulok para padedehin ang anak niya. Tanging fleece lang ang gamit niya para takpan ang maselan na bahagi ng katawan habang pinaiinom ito ng gatas.

Mabuti na nga lang at may kaunti pang gatas na nap-produce ang katawan niya para dito dahil nasanay din sa b.r.e.a.s.tfeed ang anak niya.

Napangiti siya habang haplos-haplos ang pisngi nito. Sa gitna ng hindi magandang lagay nila, nagagawa pa rin siya nitong pangitiin.

"Baby, mommy is sorry. pagod ka na ba? Kailangan natin magpahinga dahil maaga tayo bukas." nakatitig lang ito sa kanya kahit pa panay ang galaw ng lalamunan at nguso nito.

She is proud of herself na makapag-produce ng isang Khalid.

Maya-maya, bumitaw ito sa pag-inom ng gatas at yumakap sa dibdib niya.

Nagsimula na mag-hymn si Prin para makatulog ang anak niya. Ilang saglit pa, pati siya ay nakatulog din dahil sa pagod.