Nagising naman agad si Cally matapos tawagin ng dalawang Dark Guards. Agad siyang bumangon at nabungaran niya ang matanda na may hawak na armas na nakatutok kay Joen at Bob.
Mabilis siyang tumayo at kumilos para protektahan at harangan ang mag-ina niya mula sa matanda.
"Sino kayo at ano ang ginagawa niyo sa bahay ko?" Sabi ng matanda.
Kung ganoon, may nakatira nga sa bahay na iyon na nasa gitna ng masukal na lugar. Napansin naman ni Cally ang bagay na iyon dahil nananatili na malinis ang maliit na tahanan. Walang bahid ng alikabok ang bahay na iyon na ibig sabihin ay may nakatira doon.
Ngunit kinapalan niya na ang mukha niya na gamitin iyon ng kahit isang gabi dahil mas kailangan nila na magpahinga. Plano niya na magbayad na lang ng halaga kapalit ng pag-stay nila.
Nagising si Prin dahil sa mga kaluskos. Agad na bumungad sa kanya ang matanda na may hawak na armas at nakatutok ito sa mga kasama niya. Bumahid agad sa kanya ang kaba at mabilis na niyakap ang anak niyang si Khalid.
"Uwahhhhh" bigla ang pag-iyak ni Khalid dahil bigla itong nagising sa mga ingay nila.
Kumunot ang noo ng matanda nang makarinig ng iyak ng sanggol at lumapit kay Cally habang nakatutok sa kanya ang hawak nitong armas.
"Huwag kang lalapit!" Sigaw ni Joen. Sinipa nito ang binti ng matanda na nananatiling nakatayo ng paulit -ulit. Nakaramdam ng pagka-inis si Joen dahil parang bale wala dito ang tira niya.
Inilagan ng matanda ang huling sipa ni Joen at para manahimik na ito sa pagbigay ng atake, sinipa rin ito sa dibdib ng matandang lalaki. Agad na tumilapon si Joen sa pader.
Tom ang Bob "..."
"Fuc*k! Who is this man?" Bulong ni Bob sa sarili.
Sa loob ng ilang taon ni Joen bilang Dark Guard, hindi naman ito mahusay na tulad ni Kai at Lorenz pero hindi rin naman ito mahina.
Nananatiling nakatitig si Cally sa matandang lalaki at sinisino ito. Sa palagay niya ay nakita niya na ang matandang ito sa larawan o kung sa kung saan, hindi niya lang matandaan. Kaya nga hindi rin siya nakaramdam ng takot dito kahit pa may hawak itong armas na nakatutok sa kanya.
Lumapit pa ang matanda hanggang sa makita nito si Prin at Khalid na bahagyang nagtatago sa likuran ni Cally.
"Matsui." Usal ng matanda at bigla na lang nitong binaba ang armas na hawak.
Nagulat silang lahat bukod kay Cally sa pagbanggit nito kay Prin. Natatandaan na niya kung sino ang matandang lalaki na nasa harapan nila.
Nagkatinginan naman si Tom, Joen at Bob.
"You are Prin, are you?" Paninigurado pa nito.
Nakakunot naman ang noo ni Prin dahil nakilala siya nito. Samantalang, sigurado siya na hindi niya pa nakita ang matanda sa buong buhay niya.
"Ahh, I don't think I know you po"
"He is Master Higo" si Cally ang sumagot saka siya tumayo para mag-vow sa matanda.
"He is Uncle Rob's master. Master, kamusta po?" Si Cally muli.
Nanlaki ang mga mata ng iba pa sa nalaman. Master ni Master Rob?
Naisip ni Bob na kaya pala parang wala man lang itong reaksyon sa mga pagtira nila ay dahil mas mataas pa ang ranggo at experience nito sa master nila. Tila sila isang maliit na kuting sa harapan ng malaking tigre.
Totoo ang kasabihan na wala sa edad ang lakas kundi nasa personalidad ng tao.
Hindi porke mas bata sila ay mas malakas na sila dito na sa palagay niya ay nasa 70 mahigit na ang edad. O baka nga nasa otsenta pa. Pero isang palaisipan din na nasa harapan nila ito dahil ang pagkakaalam nilang lahat ay namatay na si Master Higo.
"Ano ang ginagawa niyo dito sa bahay ko?" tanong muli ng matanda.
"Master, pasensya na po sa abala at sa pagtigil namin saglit dito sa bahay niyo. Kinailangan namin ng tirahan nang nagdaang gabi at naglakas ang loob namin na manatili saglit rito sa tahanan niyo. Gusto ko pong humingi ng pasensya at patawad" mahabang saad ni Cally.
Mukhang tuluyan naman na kumalma ang matanda at sinisino rin si Cally. A simple and gentleman gesture coming from a young man. Wala itong maramdaman na panganib mula sa pagkatao ni Cally.
"kasama kayo sa mga biktima ng mga pagsabog? Tama?" tanong nito.
Tumango si Cally.
"Hindi maganda ang sitwasyon sa main road ngayon. They blocked the road sa pagpunta at paglabas at tanging rescuers lang ang maaaring pumasok. Ang masama may nananabotahe sa rescuers para lihim na patayin ang mga survivor."
Nagkatinginan silang lahat. Nagkuyom ang palad ni Cally. Kung ganoon ay may nagpapanggap na rescuers sa Hantataiga. May plano ang teroristang ito na ubusin ang lahat ng tao sa daan na iyon, kahit ang mga nakaligtas.
"Kaya mabuti at naisip niyong umalis doon dahil halos 90 percent ng nagbbyahe ang namatay. Ang mga natitira ay sugatan. Hindi rin magandang ideya na magbalik kayo doon."
Nag-isip ng malalim si Cally sa kung ano ang susunod niyang hakbang. Hindi sila maaari na manatili sa bahay na iyon. Hindi rin sila maaaring bumalik at ipusta ang kaligtasan ng anak niya.
Ano ang susunod niyang hakbang?