Nananatili ang lamig sa buong kapaligiran. Wala na ang pagniyebe pero nag-iwan ito ng yelo sa paligid. Madaling araw na ang kasalukuyang lokal na oras. Mas madilim, mas ramdam ang lamig.
Tulad ng pangako ni Rob, personal niyang pinuntahan ang lugar kung saan naroon ang mga pagsabog, pero hinarang sila ng awtoridad.
Kasama niya ang limang guards ng Matsui Villa na nasa 'A Team'. Hindi siya nagsama ng Dark Guards dahil tulad ng sabi niya, ayaw niyang ipusta ang mga kaligtasan nito.
Mas maraming experience ang grupo ng A team at hindi rin mangingimi ang mga ito na pumatay kung kinakailangan.
May mga tape na kulay dilaw at itim na may mga nakasulat para ipangharang sa kung sino man ang gustong pumasok. May mga nakasulat na KEEP OUT.
Limang kilometro ang layo nila sa mga sumabog na sasakyan at walang pinahihintulutan na makapasok sa loob.
Gayunpaman, dahil isang diretsong kalsada lang iyon, kita pa rin mula sa kinatatayuan niya ang pag-usok at kakaunting pag-apoy. Kaiba sa larawan ng nasa likuran niya na nananatiling mapayapa.
Para bang hinaharangan ng mga tape na iyon ang isang epidemya at pinipigil ang pagkalat nito.
"I'm Rob Matsui." pagpapakilala niya sa security.
Pinakita niya ang isang papel na naglalaman ng sulat mula sa kinauukulan na binibigyan siya ng laya na imbestigahan ang mga pagsabog at tugisin ang Hantataiga.
Nagtawag ito ng isa pang tao na magpapatunay kung valid ba ang hawak niyang papel. Nananatili naman na alerto ang iba pang guards na nagbabantay sa linya. Kinilala naman siya ng lalaking tinawag saka sinauli sa kanya ang papel at sumenyas sa mga kasama.
Nakahinga ng maluwag si Rob.
"What is the situation out there?" usisa niya sa lalaki na sa palagay niya ay ang kapitan ng grupo.
"Kasabay ng pagpasok ng rescuers ang sasakyan ng Hantataiga na nagpanggap na miyembro namin. Lihim sila na nananabotahe sa pagligtas ng mga survivors." sagot naman nito.
Kumuyom lalo ang kamao ni Rob. Sa oras na iyon, nasa panganib ang buhay ng pamilya niya at kailangan nilang magmadali. Wala siyang ideya sa totoong lagay ni Prin at Cally.
"Halos, walang natirang buhay sa mga survivors pero pinipilit pa rin ng grupo na maligtas ang karamihan." paliwanag nito
"We will help. Nasa loob ang pamilya ko kaya hahanapin ko kung sino man ang nananabotahe na iyan." matalim niyang sabi.
Inaral muna nito ang sensiredad sa salita niya bago siya nito pinayagan na pumasok sa likod ng mga black and yellow tape. Sinenyasan nito ang mga kasama bago kumilos ang mga ito na inangat ng paisa-sa ang mga tape.
"A team, let's go!" sigaw ni Rob saka sinimulan na tumakbo patungo sa magulong lugar.
Determinado siya na mahuli ang kung sino man na nagtatago na iyon sa likod ng maskara. Sigurado siya na wala sa lugar si Mayu dahil natutulog pa ito sa bisig ng mahal nitong si Captain Yeo.
Sabay-sabay ang grupo niya na tumatakbo at halos hindi makaramdam ng pagod.
Matapos ang ilang minuto sa pagtakbo, narating din nila ang pinakadulo ng sasakyan. Tulad ng inaasahan, parang dinaanan ng giyera ang lugar.
Mas masama ang lagay ng lugar sa kasalukuyan kumpara sa video na napanood niya. Hinarap ni Rob ang mga kasama.
"Team, magsimula na tayong maghiwa-hiwalay, kapag natagpuan niyo ang sasakyan ng Dark Guards o kung may napansin kayong kahina-hinala, alertuhan niyo ako agad. Don't let your guards down. Hindi natin alam kung sino ang kalaban." utos ni Rob sa limang kasama.
"Yes, Boss Rob!" saka sila parang mga langgam na naghiwa-hiwalay.
Sinimulan ni Rob na imbestigahan ang isang tumaob na sasakyan sa pinakabungad. Isa sa goal niya ay malaman kung ano ang klase ng bomba ang ginamit ng hantataiga at kung paano nakalusot ang mga ito.
Sa video ay wala siyang napansin na device o kung anong klase ng bagay sa mga naaral niya ang tunay na bomba. Kaya sigurado si Rob na maliit na bagay lang iyon. At paano ito nakalusot sa seguridad sa airport?
Sa loob ng sasakyan, nananatili pa ng bahagya ang kamay ng driver na nakahawak sa manibela ngunit naputol na hanggang braso. Wala na ang katawan nito. May mga bahid ng natuyong dugo sa warak na silya. Siguro kung normal na tao ay baka nasuka na sa sitwasyon.
Umalis siya doon sa kotse nang sa palagay niya ay wala siyang makita na maaari niyang magamit para imbestigahan. Mukhang matunaw na ng tuluyan ang kung anuman na bomba ang ginamit ng Hantataiga.
"Boss, may napansin akong binata na nag-iikot." narinig niya sa earpiece.
"200 meters mula sa bungad."
"I'm going!" sabi niya sa kausap saka maingat na tinakbo ang lugar na sinabi nito.