Chapter 266 - Made in France (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hilot-hilot ni Mat-mat ang braso niya dahil sa biglaang pag-atake ng lola ni Donna. Wala na nga siyang naintindihan sa sinabi nito mas lalo pa na wala siyang naintindihan dahil sa biglaan nitong pag-iyak. 

"Donna My Love, bakit ka nga ba umiiyak?" tanong ni Mat-mat. Hinawakan niya pa ang pisngi ng dalaga. Kumuha siya ng tissue na nasa ibabaw ng mesa at pinunasan ang luha nito. 

"Aba'y damuho ka talagang bata ka! Malamang umiiyak ang apo ko dahil binuntis mo!" 

Kumunot ang noo ni Mat-mat. Nagliwanag din naman ang mukha niya sa nadinig matapos magsinked-in sa utak niya ang sinabi ng matanda. 

"Talaga? You are pregnant?!" halata naman ang saya sa mukha ng binata dahil sa nadinig. 

"As I've said, I'm… not sure." ilang linggo pa lang kasi nang may maganap sa kanila ni Mat-mat. Masyadong mabilis kung sasabihin ni Donna na sigurado siya at baka madismaya lang ang nobyo kung 'hindi' pala. 

"Hindi ko nadinig. Wala akong nadinig kahit isa" katwiran ni Mat-mat. 

"Aba'y ako na ang nagsasabi na buntis ang apo ko! Kaya hala, huwag na huwag kang tatakas sa obligasyon!" nagagalit na sabi ng matandang babae. 

Biglang niyakap ni Mat-mat ang matandang babae. "Of course not! Bakit naman ako tatakas? Oh Lola! I'm so happy" 

Masayang isipin na nakabuo siya agad ng baby matapos nilang magkabalikan ng dalaga. And it was really a blessing. Sobrang sarap sa pakiramdam. 

"O siya, ito ang juice niyong dalawa." inabutan sila ng matandang babae ng tig-isang baso ng fresh juice na ginawa nito. 

"Ako'y maglilinis muna sa labas. Ikaw Matthew, mabuti pa na alagaan mo ang apo ko. Iuwi mo na muna si Donna dahil kailangan niya ng kasama. At huwag mo siyang papagurin. Ako ay masaya para sa inyong dalawa." sabi nito saka umalis. 

Natuwa naman si Mat-mat dahil bukod sa tama ang pagkakasabi nito sa pangalan niya ay hinandaan pa siya nito ng fruit juice. 

Abot hanggang tenga yata ang pagkakangiti ng binata dahil nakabuo siya agad ng baby. 

"Why are you grinning like a pervert?" puna ng dalaga. 

"I'm always pervert" hinawakan ng binata ang tiyan ng dalaga. "Kaya pala mainit lagi ang ulo ng My Loves ko, may something." 

Namula naman ang pisngi ng dalaga. 

Pinaubos ni Mat-mat ang juice kay Donna saka niya nilabas ang cellphone. Oras na para bumawi siya. 

Tinawagan niya si Kai Jang na kasalukuyan na nasa Japan at tinatrabaho ang issue ng Hantataiga. Sigurado rin siya na kasama nito ang Shogun. 

"Hello, Kai Jang!" bungad niya. 

"Anong problema?" sagot nito. Alam ng mga ito na umuwi siya saglit para makita si Donna na mainit na ang ulo sa Dark Guards. 

"Wala namang problema, sasabihin ko lang na off ko na for life sa Dark Guards, magbabantay na ako ng anak."

Saglit na natahimik ito. 

"Nakabuntis ka?" 

"True" 

"Ha?! Yari ka kay Donna! Masyado ka kasing malikot. Naku lagot ka talaga kapag nalaman niya iyan." 

Mat-mat "..." 

Sumimangot si Mat-mat, ganoon na ba siya kamanyak sa paningin ng mga tao sa paligid niya para mapagkamalan na iba pa ang nabuntis niya? 

"Labas na ako diyan, Bye!" 

*toot toot toot*

"Excuse me, si My loves ang nanay!" sigaw niya sa cellphone kahit putol na ang linya. 

Natatawa naman si Donna sa tabi. 

"Tama na yan, Love. Let's go home" 

Binaba naman ng binata ang cellphone niya. Saka tinitigan sa mata ang nobya. Gumaan ang pakiramdam ni Mat-mat habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. He likes her eyes so much. 

Sabi nila, una daw na tinitingnan ng mga kalalakihan ang mata sa isang babae. Aminado siya na hindi iyon ang unang  requirement niya pero nagustuhan niya ang bagay na iyon nang makita niya ang sarili sa mga mata nito na parang nananalamin. It was like there is no one in her eyes but him. 

"I promise that I will do my best, Donna." saka niya binigyan ng smack ang dalaga sa labi. 

"Pwede mo bang ulitin 'yung proposal mo kanina?" suhestiyon ng dalaga. Wala kasi itong naintindihan. 

"oh! Sure! Ehem! Donna My Love…" 

*shwiiiiii* *shwiiiii* (tunog ng vaccuum sa labas ng kusina) 

Wala muling naintindihan si Donna. Ilang saglit pa, lumalakas ang tunog dahil papalapit sa kanila ang vaccuum. 

Natapos ang litanya ni Mat-mat kasabay ng pag-click ng switch ng motor ng vaccuum. 

"Aba'y nariyan pa pala kayo" puna ng matandang babae. 

Humugot ng malalim na hangin si Mat-mat. 

"Lola, gusto niyo po ba magpunta sa Mars?" tanong ng binata. 

Gusto niyang lumayo ang matanda at dalhin ito sa ibang planeta.