Chapter 267 - Take care of yourself

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos lang ang ilang linggo nakuha ni Rob ang eksaktong lokasyon ng barko ni Captain Yeo.

Nasa loob sila ng general hall ng Matsui Mansion para pag-usapan kung paano nila susugurin ang barko ng kapitan. Inalis muna ni Cally sa grupo si Mat-mat para masimulan nito ang pag-aasikaso sa kasal nito at ni Donna lalo at nabalitaan nila na buntis ang kaibigan nila na nobya nito.

"Everything should be according to plan. Gustong-gusto ko nang wasakin ang mukha ng Mayu na 'to" nagpatunog pa ng kamao si Rob Matsui na halatang nangigigil sa mukha ng babae.

Walang pumapasok sa isip ni Prin dahil masama ang pakiramdam niya. Napansin siya ni Kai na nasa katapat na mesa niya.

"GW8, are you okay?"

Inangat niya ang paningin sa lalaki. Umawang ang labi ni Prin at napalingon din siya sa iba pang kasama at napansin na nakatingin din ang mga ito sa kanya.

"Ahh… I'm good" sabi niya.

Napukaw nila ang atensyon ni Cally na kasalukuyan na nasa pinaka-bungad para magpaliwanag ng mga gagawin. Dahil nasa dulong bahagi si Prin at nasa bungad si Cally, hindi nito mapapansin ang nararamdaman niya kung hindi lang napuna ni Kai.

Nag-aalala na nilapitan siya nito. Hinipo nito ang noo niya.

"No, you are not. You are hot… Uncle Rob and Shogun, please continue the meeting. MB5, report them to me." Utos niya sa Shogun at Kai saka siya nito binuhat palabas ng general hall.

Dinala siya nito sa kwarto niya doon sa mansyon. Kasalukuyan na naroon din si Khalid at kasama ng isang maid. Nagd-doodle sa isang papel gamit ang crayola sa ibabaw ng kama ang anak niya.

"Ako na ang bahala kay Khalid. Tumawag ka ng doktor" Utos ni Cally sa babae.

"Yes, Shi" ang sabi tapos ay tumalikod at lumabas na ito ng kwarto. Nilapag siya nito at inihiga sa malambot na kama.

"Are you okay, Honey?" Tanong ni Cally. Mukhang nakuha din nila ang atensyon ng bata kaya gumapang ito patungo sa tagiliran ni Prin.

"Uhmma…" nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang mag-asawa.

"I'm okay, baka napagod lang ako." Hindi maamin ni Prin na dumadalas ang pagsakit ng ulo niya. Madalas din na nakakaramdam siya ng hilo.

"Baby, go to your Daddy. Baka mahawaan ka ng sakit ni Mommy" kinawayan pa ni Cally ang bata para lumapit ito dito.

"Uhmma…" taliwas sa gustong mangyari ng asawa niya ay sumiksik ang bata ng higa sa gilid ni Prin, saka siya nito niyakap. Parang ayaw nitong humiwalay sa kanya.

Nangingiti naman si Prin sa ginawa ng anak niya.

"You are being unfair, Honey" reklamo ni Cally.

Aminado naman siya na sa loob ng bente kwatro oras, mas madalas talaga na kasama ni Prin si Khalid bilang ginampanan nito ng mabuti ang pagiging ina. Madalas na nagb-b.r.e.a.s.t feed si Prin o kaya ay kalaro si Khalid.

Nagpatuloy ng training ng Dark Guard si Prin kahit naroon sila sa Pilipinas. Training lang ang naging bonding nilang mag-asawa.

"I'm not. Husbie, can I ask you to stay?" Hiling niya. Alam niya na mahalaga ang usapan sa General Hall pero gusto niya pang makasama muna kahit saglit ang asawa at anak niya sa oras na iyon.

Hindi naman nag-atubili si Cally na pagbigyan ang hiling niya. Hinubad nito ang sapatos at tumabi ito ng higa sa kanilang mag-nanay. Niyakap siya nito kaya parang kayakap na rin nito si Khalid na napapagitnaan nilang dalawa.

Pumikit silang dalawa para damahin ang isa't-isa.

"Honey, what did you do in the past nine years?" Usisa ni Prin. Sa loob ng isang taon ay hindi niya nagawang tanungin si Cally dahil ayaw niyang pag-usapan ang kung anuman na mga pangit na naranasan niya.

Pinilit ni Prin na kalimutan ang mga iyon dahil masyadong masakit.

"Business. A lot of business deals. I made hundreds of business deals per month." Sagot nito.

"How many times did you cry?"

Tiningnan muna siya nito kahit nakapikit pa si Prin at saka hinawakan ang pisngi niya.

"Every day, my heart is aching so much hanggang sa dumating ang mga oras na parang namanhid na lang ako at hindi ko na maramdaman pa ang sakit."

"Me too" sagot ni Prin.

Pinatong ni Cally ang anak niya sa dibdib para mas malapit siya sa katawan ni Prin at para hindi rin ito maipit.

"I don't want you to end up being bullied again, Honey. I just want you to know that I value your life more than mine. So, can you promise me to take care of yourself, for my sake?"

"Uhmma…" ungol ni Khalid. Hinawakan ni Prin ang kamay ng anak niya saka iyon hinalikan. Para kasing parehas ang nais ng dalawa.

"Mommy will always loves you"

"We love you more Honey" saka sila sabay-sabay na pumikit.