Chapter 268 - Where are they?

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Isang sinag ng araw mula sa labas ang gumising kay Prin.

Unang hinanap ng mga mata niya si Khalid nasanay na kasi siya na nasa tabi niya lang ang bata tuwing gigising. Madalas na nauuna itong magising sa kanya at madalas din na naglalaro lang ito ng kung anu-ano sa ibabaw ng kama. Wala ito sa kwarto kaya naisip niya na baka kasama ni Cally.

Matapos niyang bumangon ay nag-inat-inat muna siya ng katawan dahil pakiramdam niya ay sumasakit ng sobra ang likuran niya, ang batok at ang leeg niya. Matapos makatulog ni Prin, bumuti rin naman ang lagay niya. Bukod sa parang nangalay ang mga katawan niya ay wala na siyang maramdaman na iba pa.

Lumabas siya ng kwarto at hinanap ang mag-ama niya. Napansin niya na tahimik ang mansyon kumpara sa mga nagdaang araw. Parang nakakabingi ang katahimikan ng kapaligiran. Hindi niya naririnig ang normal na ingay sa labas kapag ganoong oras. Oras kasi ng training at nakapagtataka na wala siyang nadidinig na mga paghampas, paghiyaw at kung anong mga kaluskos ng pagsasanay.

Naisip niya na magpunta sa camp ng Dark Guards baka sakaling dumalaw doon ang asawa niya.

Nakapagtatakang hindi nakikita ng mga mata niya ang Shogun, si Kai at ang iba pa na may matataas na posisyon at tanging mga trainees lang ang naiwan.

May nakita siyang isang Trainee kaya hindi niya napigilan na magtanong dito.

"Where is your Shogun or leader MB5?" Tanong niya dito.

"Miss Prin, umalis sila papunta ng Ship ni Master Aiden"

Kumunot ang noo ni Prin. "What do you mean?"

"Nakatakda na umalis ang barko ngayong gabi at nagsama si Master Rob ng mga lider ng Dark Guards" sagot naman nito.

Natigilan siya. Hindi maiwasan na masaktan ni Prin sa nadinig. Bakit wala man lang nagsabi sa kanya ng plano?

Nakatakda ang grupo na umalis ng gabi sa araw na iyon pero wala siyang alam? Nakaplano na pala ang alis ng barko ni Aiden patungong South pero walang nagsabi sa kanya ni isa? Wala pala siyang malalaman kung hindi siya mausisa sa paligid. Sigurado na hindi siya isasama sa misyon ngayong gabi kaya walang nagsabi sa kanya.

Bumalik siya ng mansyon at hinanap si Cally o ang Daddy niya. Hindi naman siya nabigo na makita si Cally.

"Cally!" Tawag niya sa asawa.

Nasa pasilyo ito at kasalukuyang may kausap na dalawang tauhan sa mansyon para magbigay ng mga utos. Inangat nito ang paningin sa kanya saka tinapos ang usapan nito sa isang maid at sa head ng guard.

Mabilis siyang nilapitan nito.

"Cally, bakit hindi ako kasama sa misyon?" Galit na bungad niya dito.

Napatigil ito sa paglakad at tinitigan siya nito. "Because, I want you to stay."

"But this is also my battle! I will face Captain Yeo for what he has done at gusto mo na manahimik ako dito sa mansyon for doing nothing?" Naninikip ang dibdib ni Prin maisip lang ang mga paghihirap niya sa loob ng ilang taon.

Nag-training pa naman siya sa loob ng isang taon para harapin muli ang lalaki.

"As much as possible, I want to take revenge. Gusto ko na pakainin ng bomba si Captain Yeo sa ginawa niya sa iyo. But Prin, I admit that I am afraid. I'm afraid, alright!" Bakas ang takot sa mukha ng asawa niya nang bigkasin nito ang mga iyon

"Pero hindi sapat na matakot tayo, Cally. Haharapin ko si Captain Yeo para pagbayarin siya sa ginawa niya samin ni Sandra"

"Everyone can do it for us. Pwede akong maghire ng ilan pang Dark Guards to take revenge. God knows that I want you to take your revenge, but what about Khalid, Prin? What about me kung sakali na maulit ang nangyari noon? Pumasok man lang ba sa isip mo na masasaktan ako kung may mangyaring masama sa iyo?"

"But nothing will happen. I'm a Dark Guard! I'm okay. I'm 100 percent fine!"

"You are not fine, Prin! Napapadalas ang sakit mo recently. Akala mo ba ay hindi ko alam? And do you have an idea how long did you sleep?"

Doon kumunot ang noo ni Prin.

"Three days! You are being unconscious for three f.u.c.k.i.n.g days!"

Natigilan si Prin sa nadinig. Noon niya lang naisip na kaya pala masakit ang katawan niya ay dahil matagal siyang natulog.

"I want you to stay here and that's final. Ako ang magbibigay ng regalo kay Captain Yeo" sagot ni Cally saka siya nito iniwasan.

Naiwan si Prin na masama ang loob.

Sa unang pagkakataon sa tagal ng pinagsamahan nila, noon lang sila nagkaroon ng hindi pagkakasunduan ni Cally.